September 3, 2026 | EdukalEdad PLUS+ – Pagdiriwang ng Buwan ng Wika
September 3, 2026 | EdukalEdad PLUS+ – Pagdiriwang ng Buwan ng Wika ![]()
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, naging makulay at masaya ang pagtitipon ng ating mga senior learners mula sa EdukalEdad PLUS+: EdukalEdad Enhancement Program ng Norzagaray College – Community Extension Services.
Ipinamalas ng ating mga Nanay, Tatay, Lolo, at Lola ang kanilang sigla at pagmamahal sa kulturang Pilipino sa pamamagitan ng pagsayaw ng tradisyunal na sayaw at masayang pakikilahok sa mga larong “Hulaan ang Gamit” at “Salawikain.”
Ang aktibidad ay naging pagkakataon upang balikan at pahalagahan ang ating wika, kultura, tradisyon, at karunungang Pilipino, habang pinatitibay ang samahan at aktibong pakikilahok ng ating mga senior learners.
Sa EdukalEdad PLUS+, patuloy nating pinatutunayan na walang edad ang pagkatuto, pakikibahagi, at pagmamahal sa kulturang Pilipino. ![]()
#EDUKALEDADPLUS #BuwanNgWika2026#KulturangPilipino#WikangFilipino#ActiveAging#LifelongLearning#CommunityExtension#SDG3GoodHealthAndWellBeing#SDG4QualityEducation#SDG10ReducedInequalities#SDG11SustainableCitiesAndCommunities#NorzagarayCollege#NCIANSWITHPRIDE