𝗣𝗮𝗴𝗯𝗮𝘁𝗶 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗻𝗮𝗴𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝘀𝗮 𝗘𝗗𝗨𝗞𝗮𝗹𝗘𝗗𝗔𝗗!

👤 NC CES | 📅 May 14, 2026

𝗣𝗮𝗴𝗯𝗮𝘁𝗶 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗻𝗮𝗴𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝘀𝗮 𝗘𝗗𝗨𝗞𝗮𝗹𝗘𝗗𝗔𝗗!


Sa bawat ngiti, bawat luha ng saya, at bawat pangarap na muling nabigyan ng pag-asa, kayo po ang tunay na inspirasyon ng programang ito. Ang inyong dedikasyon na ipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng edad at hamon ng buhay ay patunay na walang pinipiling panahon ang edukasyon.


Labis din po nating ikinararangal na ang ating 𝗘𝗗𝗨𝗞𝗮𝗹𝗘𝗗𝗔𝗗 Program ay kinilala sa pandaigdigang antas matapos mapasama ang Norzagaray College sa World University Rankings for Innovation (WURI) at makamit ang 𝗥𝗮𝗻𝗸 𝟲𝟲 sa ilalim ng 𝗖𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲/𝗩𝗮𝗹𝘂𝗲𝘀 𝗖𝗮𝘁𝗲𝗴𝗼𝗿𝘆.


Taos-puso rin po akong nagpapasalamat kay Dra. Liberty Pascual at sa buong Norzagaray College para sa kanilang walang sawang dedikasyon at pagsusumikap upang maisakatuparan ang programang ito. Ang inyong malasakit at paniniwala sa kahalagahan ng edukasyon ang patuloy na nagbibigay inspirasyon sa ating bayan.


Patuloy po tayong mangangarap, mag-aaral, at aangat nang sama-sama.


#MaykatuwanGka

#AlagangGermar

#tatakGERMAR

#AsensoGarantisado