Capability Building ng DSWD Tara, Basa Tutoring Program (TBTP)

👤 NC CES | 📅 April 07, 2026

Capability Building ng DSWD Tara, Basa Tutoring Program (TBTP), isinagawa online alinsunod sa Guidelines on the Adoption of Hybrid Work Arrangement and Additional Energy and Cost Saving Measures ng kagawaran.


Sa kabila ng layunin na mabawasan ang konsumo sa enerhiya at gastos sa transportasyon, ipinagpatuloy ang pagsasagawa ng pagsasanay online sa pamamagitan ng google meet ang Capability Building ng 152 Tutors mula sa City College of San Jose del Monte at Norzagaray College sa Bulacan, gayun din ang 100 Tutors mula sa President Ramon Magsaysay State University sa Zambales.


Ang pagsasanay ay pinangasiwaan ng mga kawani buhat sa TBTP Regional Program Management Office sa tulong ng mga Resource Person buhat sa DepEd Schools Division Office ng City of San Jose del Monte at Zambales.


Patuloy ang paghahanda ng programa para sa paparating ng implementasyon nito sa darating na Mayo 4, 2026 na tatagal hanggang Mayo 29, 2026.


#TaraBasaPH

#KabataanSaBagongPilipinas

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD